Halimbawa ng Makabagong Bugtong
1. Paninda ni Aling Nena
Sariwang-sariwa pa
Bentang-benta sa taong tsimosa.
Sagot: tsismis
2. Kay munting tindahan,
Ngunit napakarami't sari-sari ang laman.
Sagot: shoppe/ lazada
3. Sa fb maganda
Sa personal iba ang hitsura
Hulaan mo kung anong gamit niya!
Sagot: filter
4. Sa umaga'y tulog
Sa gabi nama'y nagpupuyat sa kapanonood.
Sagot: K-drama addict
5. Anghel na may munting pakpak
Pantakip sa kulay pulang lumalabas.
Sagot: Napkin with wings
(Para sa bilang 6-10, kayo na ang sasagot nito. Game? I-comment ang inyong sagot sa ibaba .)
6. Sa loob ng klasrum ito, makikita niyo ang iba't ibang litrato ng mga kaklase't guro mo .
Sagot:
7. Ang dating kulot at buhaghag na buhok ni Calid ngayo'y parang lubid
Sagot:
8. Sa mga my day sa fb ako'y kalimitang matatagpuan
Paboritong inumin ng mga kabataan pagkat ako'y sikat at malinamnam
Sagot:
8. Bagong ampon ni papa kalauna'y nagiging paboritong anak niya
Sagot:
9. Bago pumasok sa paaralan, ako'y isuot muna sa inyong tahanan
Upang ikay makapasok sa inyong pamantasan.
Sagot:
10. Paikot ikutin mo muna, Bago maipasok ng direkta.
Sagot:
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin