Halimbawa ng Makabagong Bugtong
1. Paninda ni Aling Nena Sariwang-sariwa pa Bentang-benta sa taong tsimosa. Sagot : tsismis 2. Kay munting tindahan, Ngunit napakarami't sari-sari ang laman. Sagot : shoppe/ lazada 3. Sa fb maganda Sa personal iba ang hitsura Hulaan mo kung anong gamit niya! Sagot : filter 4. Sa umaga'y tulog Sa gabi nama'y nagpupuyat sa kapanonood. Sagot : K-drama addict 5. Anghel na may munting pakpak Pantakip sa kulay pulang lumalabas. Sagot : Napkin with wings (Para sa bilang 6-10, kayo na ang sasagot nito. Game? I-comment ang inyong sagot sa ibaba .) 6. Sa loob ng klasrum ito, makikita niyo ang iba't ibang litrato ng mga kaklase't guro mo . Sagot: 7. Ang dating kulot at buhaghag na buhok ni Calid ngayo'y parang lubid Sagot: 8. Sa mga my day sa fb ako'y kalimitang matatagpuan Paboritong inumin ng mga kabataan pagkat ako'y sikat at malinamnam Sagot: 8. Bagong ampon ni papa kalauna'y nagiging paboritong anak niya Sagot: 9. Bago pumasok sa paaralan, ako'y is...